Biyernes, Enero 29, 2016
ANG MAIKLING KWENTO NANG DALAWANG ANGHEL
May DalawangAnghel na naglalakbay .Sa kanilang paglalakbay sila ay ginabi at naghanap nang matutuluyan.
''DOn tayo!Makiusap tayo baka tayo ay patuluyin nila!!''sabi nang nakababatang anghel.
''tok!tok!tok!
BUmukas ang pinto at isang matandang lalaki ang nagbukas nang pinto.Ang leeg nang niya ay
nakasisilaw dahil sa gintong kuwintas na kanyang suot.
"Kami po ay giinabi sa paglalakbay,maaari po ba kaming makituloy...."sabi nang nakatatandang anghel
Hindi agad nakasagot ang matanda at tinitigan sila.nag alinlangan ang matanda sapagkat silay
nakabalatkayo at hindi alam na sila ay mga anghel.Ngunit dahil sa pakiusap ng mga anghel na
nagbalatkayong tao sila rin ay pinatuloy.Sila ay pinatulog sa isang masikip na kwarto na may
matigas na higaan.Hindi sila inalok nang makakain kahit alam ng matandang mayaman na sila ay
nangangatog sa gutom.Nung sila ay matutulog na,nakita ng nakatatandang anghel na may butas ang
ding ding ng kuwarto.Inayos niya iyon at isinarado ang butas.Nakatingin ang nakababatang anghel sa
nangyari.
KINABUKASAN,sila ay nagpasalamat at naglakbay muli.Naglakbay na naman sila at papunta sa Bukid.
"Gutom na talaga ako!"sabi ng nakababatang anghel.
"o sige teka lang...sa banda roon ay may maliit na kubo..tingnan natin at tayo ay magtanong sa kanila.
NUNG sila ay palapit nasa kubo nakita nila ang mag asawang matanda.Makikita ang kanilang tindig ang hirap sa buhay.
"Magandang hapon sa inyo,kayo ba ay naligaw?"sabi nang matandang lalaki.
"Ginabi na po kami dito at kami po ay nagugutom...Nakakahiya po ngunit manhihingi kami nang pagkain para makaraos sa
aming gutom
"OO meron kami dito at gabi na rin ,masyado para kayo ay maglakbay, kaya dito na kayo magpalipas ng gabi!"sabi nang matandang baba.
Gutom man hindi pa rin masyadong nakakain ang nakababatang anghel sapagkat napansin niyang ang ibinigay sa kanila ay ang tanging pagkain ng
mag asawa.
Inalok niya subalit ipinilit ng mga matatanda na sila ay kumain sapagkat sila ay malayo pa ang lalakbayin.
,maliban doon,pinatulog sila nang mag asawa sa kanilang higaan,at ang mga matanda ay natulog sa sahig.
Kinabukasan,nagising ang nakababatang anghel sa isang malakas na iyak.Lumabas siya at nakita ang matandang babae na umiiyak habang tinitngnan
ang asawang inaasikaso ang namatay na baka na tangi nilang kayamanan.Bumalik sa loob ng kubp ang nakababatang anghel na may galit.
Hinarap ang isang anghel at sinabing
"bakit?mo ito ginawa? iyong mayamang matapobre hindi tayo inasikaso pero inayos mo pa ang ding ding ng bahay niya.
pero itong mga matatandang halos lahat nang mayrun sila ay inalay sa atin.hinyaan mung mamatay ang baka nila,,bakit?
"Naintindihan ko ang ngit ngit mo ,munting anghel ,,,pero nung andun tayo sa mansyon nang matanda matapobre..na sinasabi mo,,nakita
na may kayamanan sa butas ng ding ding..hindi pa niya iyon nakita..at dahil sa masama ang ugali niya kaya tinakpan ko iyon..kagabi
naman ,dumating ang anghel nang kamatayan..kinukuha ang matandang babae..pero dahil mabait sila sa atin..ang kanilang baka ang aking ibinigay,,
ARAL SA KUWENTONG ITO;
"SA ATING BUHAY ,MARAMING GANITONG KUWENTO...KADALASAN NAUUNA ANG ATING PANGHUHUSGA...
PERO ANG NAKIKITA AY MAAARING HINDI TULAD NANG ATING INAAKALA,,KAYA DAPAT SURIIN MO NG
MABUTI BAGO HUMUSGA NANG KUNG ANO?MANG BAGAY NA IYONG HUHUSGAHAN.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento